Publiko, patuloy na pinag-iingat sa pagkain ng mga shellfish dahil sa red tide

Patuloy ang paaalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na mag-ingat sa pagkain ng shellfish lalo na kung ito ay mula sa mga baybaying dagat ng Anda at Bolinao.

Ito’y dahil wala pang inilalabas na panibagong shellfish bulletin ang BFAR, ibig sabihin positibo pa sa redtide toxin ang lugar kahit nakaranas na ng ilang pag-ulan nitong nakaraang araw.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, Center Chief ng BFAR – National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC), mas madaling bumaba ng redtide toxin kung tatabang ang tubig dahil sa pag-ulan.

Kaya patuloy na nagpapaalala si Dr. Rosario na iwasan mula ang kumain ng mga lamang dagat gaya ng talaba, tahong, alamang at iba pang shellfish na apektado ng redtide.

Hindi aniya madaling malaman o matukoy sa lasa kung nagtataglay ng toxic ang isang shellfish lalo na kung nilutong may sabaw.

Speak Your Mind

*