Publiko, pinaalalahan sa sakit na heat stroke dahil sa init ng panahon

Dulot nang init ng panahon, nagbabala ang Provincial Health Office (PHO) sa publiko sa sakit na heat stroke na maaari nilang ikamatay.

Ayon kay Aurora Doria, Health Education Promotion Officer ng PHO na walang pinipiling edad kung tatamaan ng heat stroke, depende sa sitwasyon kung sila ay masyadong nabilad sa init ng araw.

Ilan naman aniya sa palatandaan kung tinatamaan na ng heat stroke ay kung nakakaranas ng pamumula ng balat, mainit ang pakiramdam sa katawan, pagkahilo at pang-hihina ng katawan.

 

Sakali naman aniyang nakaranas ng heat stroke ang unang dapat gawin ay dalhin ito sa malamig na lugar, bahagyang painumin ng tubig, lapatan ng cold compress upang mabawasan ng init na nararamdaman.

Upang maiwasan naman na mabiktima ng heat stroke, dapat magdala ng inuming tubig, magdala ng panangga sa init ng araw tulad ng payong at magsuot ng komportableng damit.

Speak Your Mind

*