Publiko, pinag-iingat sa heat rush at sunburn ngayong subrang init ng panahon

Pinag-iingat ngayon ang publiko na iwasan ang magbabad sa subrang init ng araw dahil maaring magresulta ito ng bungang araw o heat rush at sunburn.

Ayon kay Gladys Perez, ng Provincial Health Office (PHO) sakaling makaramdam ng pangangati ng katawan bulot ng bungang araw ay maaari itong lagyan ng powder.

Makatutulong din ang paliligo dalawang beses isang araw dahil mababawasan nito ang nararanasang hapdi o kati ng katawan.

Dagdag pa ni Perez na upang maiwasang magkaroon ng bungang araw partikular ang mga bata na laging naglalaro sa init ng araw ang paglalagay ng towel sa likod.

 

Maliban sa bungang araw, mataas din sa posibilidad ang pagkakaroon ng sunburn lalo na kung subrang magbabad sa init ng araw.

Dahil dito ipinapayo rin ng PHO na ugaliin ang paglalagay ng sunblock, sakali naman nagkaroon na ng sunburn pahiran ang apektadong balat ng moisturizing cream.

Speak Your Mind

*