Publiko, pinayuhan ng PAGASA na magtipid ng tubig ngayong tag-init

Pinapayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na simulan nang magtipid ng tubig dahil unti-unti nang bumababa ang water level ng mga dam  bunsod ng tag-init.

Ayon kay Roy Badilla ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, kung magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng water level sa mga dam ay posible itong umabot sa critical level pagdating ng buwan ng Hunyo.

Wala namang inaasahang bagyong papasok sa bansa ngayong buwan ng Abril pagkatapos ng Bagyong Crising.

Speak Your Mind

*