‘Quick win’ laban kay Australian boxer Jeff Horn, target ng Team Pacquiao

Target ng kampo ni Manny Pacquiao ang mabilis na panalo kontra sa Australian boxer na si Jeff Horn sa kanilang inaabangang bakbakan sa Hulyo.

Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, ang target nilang ‘quick win’ kay Horn ay para matuloy na ang laban kontra naman kay Amir Khan.

Paliwanag ni Koncz, hindi natuloy ang dapat sana’y UAE fight nina Pacquiao at Khan dahil sa Ramadan.

Inaasahan namang sa Oktubre o Nobyembre ay magkakaharap na ang dalawa.

Paglalabanan nina Pacquiao at Horn ang World Boxing Organization (WBO) welterweight belt.

Speak Your Mind

*