Rankings ng Philippine Azkals sa FIFA, sumadsad

Bumagsak sa ika-127 pwesto ang Philippine Azkals base sa pinakahuling inilabas na FIFA World Rankings.

Mula ito sa ika-124 pwesto noong Marso.

Gayunman, nananatiling nasa tuktok ng Southeast Asian Football ang Pilipinas.

Pumangalawa na lamang ang AFF Suzuki Cup Champion na thailand na pumuwesto sa ika-129, sunod ang Vietnam sa ika-136, Malaysia sa ika-157, at Singapore sa ika-159.

Nanguna naman sa listahan ang Brazil habang 2nd place ang Argentina at 3rd place ang Germany.

Sa women’s rankings naman ay umangat ng isang pwesto ang Women’s National Football Team ng bansa mula 69th patungong 68th.

Speak Your Mind

*