Relihiyon, mahalaga pa rin para sa mga Pilipino batay sa SWS Survey

Marami pa rin sa mga Pilipino ang nagsabi na napakahalaga sa kanilang buhay ang relihiyon.

Ito ay base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa survey, 85 percent ng respondents ang nagsabi na ‘very o rather important’ ang relihiyon para sa kanila.

Samantalang ang natitirang 15 percent ay nagsabing ‘very or not at all important’ ang relihiyon sa kanila.

Isinagawa ang face-to-face survey noong Marso 25 hanggang Marso 28 mula sa 1,200 adults respondents sa buong bansa.

Samantala, pinakamarami naman sa mga dumadalo sa weekly religious services o misa ay mula sa Iglesia Ni Cristo (INC) na 90 percent, sinundan ng Muslim na 81 percent, Christians sa 71 percent at 41 percent naman sa mga Katoliko.

Speak Your Mind

*