Repatriation sa stranded na mga OFWs, patuloy na isinasagawa

Patuloy ang isasagawang repatriation sa stranded na overseas Filipino workers (OFWs), lalo na sa Middle East (ME).

Sa arrival speech ng Pangulong Rodrigo Duterte, hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi napauuwi ang OFWs na naiipit dahil sa kawalan ng exit visa.

Katunayan, kasabay ni Duterte sa kanyang pag-uwi ang may 150 OFWs mula sa Saudi Arabia na pinayagan ng Labor Ministry na makauwi sa Pilipinas.

Tiniyak din ng pangulo na maliban sa P10,000 cash na pabaon sa OFWs, magbibigay rin ng livelihood projects ang pamahalaan sa pamamagitan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Mon Lopez at iba pang tulong mula sa gobyerno.

Dagdag pa ng pangulo na sakaling magkasakit ang isang OFW ay libre ang pagpapagamot nito at magbibigay raw siya ng bilyong piso para pantustos sa kanilang gamot.

Speak Your Mind

*