Rescue team ng PDRRMO, pinaplanong isalang sa urban search and rescue operation

Pinaplano ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na sumailalim ang lahat ng kanilang rescue team sa “USAR” o Urban Search and Rescue.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer na ito ay bilang paghahanda sa sakuna lalot walang nakakaalam kung kailan tatama ang lindol.

Mahalaga aniyang matutunan ng rescue team ng PDRRMO ang mabilisang pagresponde sa gumuhong gusali dulot ng pagtama ng lindol.

 

Patuloy din, ayon kay Arenas na nag-a-upgrade ang PDRRMO ng mga rescue equipment para sa pagrespondi sakaling maapektuhan ang lalawigan ng lindol.

Speak Your Mind

*