Reunion movie nina Sharon at Gabby, hindi na matutuloy

Hindi na matutuloy ngayong 2017 ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa statement ng talent manager ni Gabby na si Therese Ramos, sinabi nito na gustung-gusto ni Gabby na gumawa ng pelikula kasama si Sharon.

Pero masyado aniyang hectic ang schedule ng aktor at imposible pa sa ngayon ang nasabing reunion movie.

Pag-aaralan naman aniya nila itong gawin sa 2018.

Una nang sinabi ni Gabby na mas prayoridad niya sa ngayon ang mga proyekto niya sa Gma Network.

Speak Your Mind

*