Robredo at Alvarez, pinakamataas ang disapproval at distrust ratings

Kapwa nakakuha ng pinakamataas na ‘disapproval’ at ‘distrust’ ratings sina Vice President Leni Robredo at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito ay batay sa isinagawang ulat ng Pulse Asia survey noong Marso 15 hanggang Marso 20 mula sa 1,200 adult respondents.

Mula sa naitalang 15 percent distrust ratings ni Robredo noong Disyembre 2016, tumaas ito ngayon ng isang porsiyento sa 16 percent.

Pumangalawa kay Robredo si Speaker Alvarez na may 15 percent, isang porsiyentong mas mataas kumpara sa natanggap niyang 14 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.

Samantala, bumaba naman ng isang porsiyento ang distrust ratings ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno mula sa dating 13 percent noong Disyembre, 12 percent na lamang ito sa ngayon.

Samantalang hindi naman nagbago ang 8 percent na distrust ratings ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel.

Nananatili namang mataas ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit na bumaba ito ng pitong porsiyento kumpara noong nakaraang survey.

Speak Your Mind

*