Ronald Tubid, suspended ng dalawang laban ng Beermen

Hindi makapaglalaro sa dalawang sunod na laban ng San Miguel Beermen (SMB) si veteran guard Ronald Tubid.

Sinuspindi si Tubid at pinagmumulta ng P30,000 ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos niyang masapak sa mukha si Chris Newsome ng MERALCO Bolts noong Linggo.

Nangyari ang flagrant foul ni Tubid kay Newsome sa natitirang siyam na minuto ng fourth quarter ng laban ng Beermen at Bolts.

Sinabi naman ni Tubid na hindi niya sinasadya ang nangyari at susundin niya ang rules ng PBA.

Etsapuwera si Tubid sa susunod na laban ng Beermen kontra koponan ng Phoenix at Hotshots sa Abril 7 at Abril 16.

Speak Your Mind

*