Scholarship program ng Pangasinan, tiniyak na magtutuloy-tuloy

Tiniyak ni Governor Amado “Pogi” Espino III na tuloy-tuloy ang ibinibigay ng scholarship program ng provincial government sa mga mahihirap ngunit matatalinong mga estudyante.

Ito ang inihayag ng governador sa ginanap na distribution ng financial grants sa mga provincial schoolar na nag-aaral sa mga Pangasinan State University (PSU) na ginanap sa Sison Auditurium nong sabado, Abril a-uno.

Ayon kay Espino, umaabot sa P17.7 million ang pondong inilalaan sa sholarship program ngunit sulit naman aniya ito lalo na’t kung ang ilan ay nakapagtapos ng may karangalan.

 

Sinabi pa ni Governor Espino na maliban sa mga estudyante ng PSU at mga estudyante mula sa ibang unibersidad, kabilang din sa scholarship program ng probinsya ang mga estudyante mula sa indigenous people

 

Nabatid na mula nang simulan ang scholarship program ni dating Governor at ngayoy 5th district Congressman Amado T. Espino Jr, noong 2007 hanggang 2014, ay umabot nasa 5,400 ang schoolar ng probinsya, noong 2015-2016 ay pumalo sa 1,700 habang ngayong 2017 ay umabot naman sa 1,740 ang mga estudyante na napagtapos sa scholarship program ng probinsya.

 

Speak Your Mind

*