Scholarship program, nilikha para sa mahihirap pero deserving na mga estudyante – Gov. Espino

Masarap sa pakiramdam na makapag-produce ng magagaling na estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa unibersidad sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Governor Amado “Pogi” Espino III ang dahilan kung bakit nilikha ang scholarship program ng probinsya para sa mga karapat-dapat ng mga estudyante na mabigyan ng financial assistance.

Malaking tulong na aniya ang P5,000 sa kada semeter o kabuoang P10,000 sa loob ng isang taon na magagamit ng mga estudyante sa kanilang mga daily expenses gaya ng boarding house o travel allowance

 

Kasabay nito, tiniyak ni Governor Pogi Espino na hindi na bababa ang bilang ng shoolar ng probinsya bagkus patuloy na dadag-dagan ang natutulungan na mga qualified na estudyante.

 

Ngayong taon, umaabot sa 1,770 ang mga provincial scholars at ang mga ito ay mula sa PSU Alaminos City na mayroong 150 scholar, PSU Asingan na mayroong 150 scholar, PSU Bayambang na mayroong 300 scholar, PSU Binmaley na mayroong 75 scholar, PSU Infanta na mayroong 75 scholar, PSU Lingayen na mayroong 400 scholar, PSU San Carlos City na mayroong 220 scholar, PSU Sta. MARIA na mayroong 150 schoolar, at PSU Urdaneta City na mayroong 250.

Speak Your Mind

*