Siguridad ng mga beachgoers na magtutungo sa Lingayen Beach, tiniyak ng PDRRMO

Tiniyak ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na mapapanatili ang siguridad ng mga beachgoers na magtutungo sa Lingayen Beach Front sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer na bumuo ng pinagsamang puwersa ng PDRRMO at ibang ahensya ng gobyerno para magbantay sa katahimikan at kalinisan ng lugar.

Kabilang na aniya rito ang PDRRMO para sa water search and rescue, General Service Office (GSO) para sa security at cleanliness, PNP para sa peace in order and traffic management, PHO para sa medical station at ibang LGU’S para sa response team.

Kasabay nito, tiniyak din ni Arenas na may sapat na kakayahan ang kanilang wasar team sa pagresponde dahil sa dami ng kanilang dinaanang training.

 

Ang tinig ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*