Siguridad ng mga turista, tiniyak ng Alaminos City Tourism Office

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista na magtutungo sa Hundred Island National Park, nagpapatupad na ang City Tourism Office ng manipesto.

Sinabi ni Alaminos City Tourism Officer Mike Sison na requirement sa lahat ng magtutungo sa isla na mag-fill-up ng manipesto para narin sa kanilang kaligtasan.

Ayon pa kay Sison, pamamaraan ito upang mamonitor ang bilang ng mga tao sa isla at malaman ang kanilang contact person sakaling magkaroon ng emergency.

 

Bunga nito, nagre-resulta rin umano ito ang eksaktong bilang ng tourist arrival na nagtungo sa pamasong national hundred island park.

Sa ngayon nasa isandaan dalawamput tatlong isla na meron ang Hundred Island kung saan dalawamput limang isla lang ang maaaring punta ng mga turista kabilang na rito ang Childrens, Quezon, at Governor Island.

Speak Your Mind

*