Sore eyes, isa sa nangungunang sakit ngayong summer vacation –  PHO

Maituturing na isa sa nangungunang sakit ngayong summer vacation ang sore eyes lalo na sa mga bata.

Ayon kay Kimpee Jayson Cruz, Nurse IV ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan, ang sore eyes ay isang adenovirus kayat madali itong kumalat at makahawa.

Ilan aniya sa mga sintomas ng sore eyes ay ang pangangati at pamumula ng mata.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio ipinayo ni Cruz na upang hindi mahawa ng sore eyes, iwasang pumunta sa mga crowded area o matataong lugar.

Makatutulong din aniya para hindi mahawa ng sore eyes ang pagsusuot ng sunglasses, paghuhugas ng kamay o pag disinfect sa mga bagay na nahawakan ng may sore eyes at ugaliin ang paglalaba ng mga nagamit nang tuwalya.

 

Sakali naman aniyang nakaranas ng lubhang pagmumuta o pagkakaroon ng nana sa mata ay agad nang magpakonsulta sa ophthalmologist.

Speak Your Mind

*