Sueno, biktima daw siya ng intriga

Naniniwala si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno na siya ang ‘sacrificial lamb’ matapos masibak dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Ani Sueno, hindi siya corrupt at kaya lang lumalago ang negosyo ng kanyang pamilya ay dahil tinututukan itong mabuti.

Iginiit din niyang hindi siya ang nag-apruba ng kontrata sa mga truck na pamatay-sunog, kundi ang nakaraang administrasyon.

Bagama’t aminadong nagulat sa pagsibak sa kanya sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Sueno na ‘willing victim’ naman siya para maalis ang kurapsiyon sa bansa.

Sa ngayon ay plano ni Sueno na bumalik sa pribadong pamumuhay.

Matatandaang sinibak ni Duterte si Sueno dahil sa alegasyon ng kurapsiyon ng tatlong undersecretaries ng DILG.

Speak Your Mind

*