Sundalong nasawi sa bakbakan sa Bohol, pinarangalan

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng gold cross medal si 2nd Lt. Estelito Saldua, Jr. na isa sa mga sundalong nasawi sa bakbakan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bohol noong nakaraang linggo.

Ang gold cross medal ang ikaanim na pinakamataas na parangal para sa katapangan sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Saldua ang isa sa mga sundalong rumesponde sa pag-atake ng ASG sa Inabanga, Bohol noong Abril 11.

Personal na nagtungo si Duterte sa burol ni Saldua sa San Jose, Batangas matapos magbalik-bansa mula sa Middle East (ME).

Binigyan din ni Duterte ng tulong- pinansiyal ang pamilya ni Saldua.

Una nang inalok ni Batangas Governor Hermilando Mandanas ng scholarships ang tatlong naulilang anak ni Saldua.

Speak Your Mind

*