Taas-singil sa tubig, kinastigo ng dating mambabatas

Kinastigo ni dating Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares ang pagtataas ng singil ng Maynilad at Manila Water.

Ani Colmenares, napaka-“untransparent” ng mga water concessionaires.

Dagdag pa ng kongresista, ang publiko ang nagbibigay ng kapital sa water concessionaires pero hindi naman napupunta ang kita sa taumbayan.

Hindi pa rin kasi aniya umunlad ang serbisyo ng mga ito dahil marami pa rin ang walang tubig.

Marami rin aniya ang water service interruptions at madumi rin ang tubig.

Inanunsyo na ng Maynilad at Manila Water ang pagtataas ng singil sa tubig ngayong buwan ng Abril.

Speak Your Mind

*