Tim Cone dismayado sa ‘championship hangover’ ng Ginebra

Dismayado si Ginebra Coach Tim Cone sa performance ng kanyang koponan kahit na nakuha na nito ang unang panalo sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Ayon kay Cone, para bang may ‘championship hangover’ pa ang Ginebra gayong hindi pa naman ito nagkakampeon.

Sinabi rin ng veteran coach na kawalan ng focus at konsentrasyon ang problema ng Ginkings sa nakalipas na dalawang laro.

Tinambakan ng Ginkings sa iskor na 113-96 ang GlobalPort noong Miyerkules para sa kanilang unang panalo.

Speak Your Mind

*