Total Ban sa pagpapadala ng OFWs sa Kuwait, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ng pamahalaan na bawasan o hindi man ay tuluyang itigil ang pagpapadala ng household service workers (HSWs) sa Kuwait.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, ito ay dahil sa rami ng reklamo ng pagmamaltrato sa OFWs doon.

Pero ani Bello, magkakaroon pa nang kaunting delay sa implementasyon ng nasabing plano para hindi naman isipin ng gobyerno ng Kuwait na paghihiganti ang nasabing hakbang.

Nitong Enero nang mamatay ang OFW na si Amy Capulong Santiago matapos umanong pagmalupitan ng amo nito.

Speak Your Mind

*