Truck na naglalaman ng mga kinatay na aso naharang sa Benguet

Naharang ng mga awtoridad sa La Trinidad, Benguet ang isang truck na naglalaman ng mga kinatay na aso.

Ayon sa grupong Network for Animals, sinundan nila ang nasabing truck mula pa Lemery, Batangas hanggang Benguet.

Nakatakda umanong dalhin sa restaurants sa Baguio City at La Trinidad ang mga karne ng aso.

Pag-aari ang nasabing truck ng clothing retail store ng “Francis 88 Fashion Collection” na nakabase sa Cavite.

Nakatakas naman ang driver ng truck pero nakuha ang OR/CR ng truck na maaaring pagsimulan ng paghahanap sa suspek.

Mahaharap ang suspek sa patung-patong na kasong paglabag sa Meat Code of the Philippines, Animal Welfare Act at Anti-Rabies Act of 2007.

Speak Your Mind

*