Trust ratings ni Duterte, mataas pa rin — analyst

Normal lang na bumaba ang trust ratings ng isang pangulo.

Ito ang ipinunto ni Professor Ranjit Rye, isang political analyst, sa panayam ng DZAR Sonshine Radio.

Pero ani Rye, kung tutuusin ay mataas pa rin ang trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo pa’t wala pang isang taong nanunungkulan ito.

Naniniwala si Rye na ang pagpapatupad pa rin ng polisiya ang mas matimbang kumpara sa survey.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay nasa 76 percent ang trust ratings ni Duterte sa unang bahagi ng 2017 kumpara sa 83 percent sa huling bahagi ng 2016.

Speak Your Mind

*