“Tsunami preparedness”, ikinakasa ng PDRRMO sakaling magka-tsunami

Ikinasa na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsasagawa ng “Tsunami Preparedness Convention” sa lalawigan ng Pangasinan.

Maliban pa ito sa isinasagawang “simultaneous tsunami drill” sa buong rehiyong uno ng Office of Civil Defense o OCD Regional Office 1.

Ayon kay Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer, bahagi ang Pangasinan sa tinawag na Manila Trench sa West Philippine Sea kayat dapat malaman ng publiko ang gagawin sakaling magka-tsunami.

Bukod pa aniya ito sa namonitor na fault line sa bahagi ng bayan ng San Manuel.

 

Sa ngayon mayroon ng tatlong “tsunami early warning divice” ang Pangasinan na matatagpuan sa bayan ng Bolinao, Lingayen at lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*