US, naglunsad ng missile attack laban sa Syria

Naglunsad ng missile attack ang Amerika laban sa Syria.

Ito ay bilang sagot sa chemical attack sa Northern Syria na hawak ng mga rebelde.

Ayon sa Pentagon, nasa limampung Tomahawk Cruise Missiles ang pinakawalan sa air base ng Syria.

Ang nasabing air base ay kontrolado ng pwersa ni Syrian President Bashar Al-Assad.

Ayon naman kay US President Donald Trump, ang nasabing strike ay para sa “vital national security interest” ng Amerika.

Hindi pa naman tiyak ang naging epekto ng missile attack ng Amerika.

——- 

Patay sa U.S airstrike sa Syria, pumalo na sa 6

Anim na ang patay sa inilunsad na air strike ng Amerika sa Syria.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, apat sa mga nasawi ay mga sundalo.

Matindi rin umano ang natamong pinsala ng air base na siyang target ng pag-atake bilang ganti sa chemical attack na nangyari sa Syria.

Napinsala rin maging ang ikalawang pinaka-importanteng base ng gobyerno.

Magkakaiba naman ang reaksyon ng ilang mga bansa sa ginawang ito ng Amerika.

Speak Your Mind

*