10 pang biktima ng ‘tanim-droga’ nagpasaklolo sa VACC

Nasa sampu pang biktima ng umano’y tanim-droga ang lumapit at nagpasaklolo sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Ayon kay Pyra Lucas, coordinator ng VACC sa Pampanga, palaisipan sa kanila ang motibo ng ‘tanim-droga’ modus.

Posible umano na ginagawa ito para masabi lang na may accomplishment sa anti-drugs campaign.

Tiniyak naman ni Region 3 Deputy Director for Operations Senior Supt. Ronaldo Llanera na walang mangyayaring cover-up sa kanilang imbestigasyon sa naturang alegasyon.

Una nang nanawagan ang VACC na suspindihin ulit ang war on drugs dahil sa mga ulat ng pang-aabuso ng ilang alagad ng batas.

Speak Your Mind

*