14 na Panukalang Batas Target maipasa ng Kongreso

Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na unang ipasa ang labing-apat na panukalang batas bago sumapit ang Mayo 30 ng taong kasalukuyan.

Ito ang inihayag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas matapos ang pagpupulong ng Kamara at Senado sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Fariñas, kabilang sa napagkasunduang unahin sa kanilang legislative agenda ay ang Free Internet access in Public Place Act; Free Higher Education Act; Philippine Mental Health Act; Amendments to the Philippine Passport Act; Revised Penal Code Indexation; Occupational Safety and Health Standards Act; Community Service in Lieu of Imprisonment for the Penalty of Arresto Menor; Refusal of Hospital and Medical Clinics to Administer Medical Treatment in Emergency Cases; Free Irrigation Services Act; at Enhanced Universal Healthcare Act.

Hindi naman kabilang sa priority bill ng Kongreso ang pagbabalik ng parusang bitay.

Speak Your Mind

*