185 barangay sa Pangasinan, hindi pa naidi-deklarang drug cleared barangay

Nasa isandaan walumpot limang (185) barangay pa sa lalawigan ng Pangasinan ang hindi pa nagdi-deklarang drug cleared barangay.

Ito ayon kay Police Chief Inspector (PCI) Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa ginanap na Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter Forum.

Sinabi ni Florentino na sa ngayon ay pumapalo na sa 1,084 ang declared drug free barangay mula sa 1,269 na drugs infected barangay sa lalawigan ng pangasinan.

Tumaas na rin aniya sa 5 drug-cleared municipality, at 1 drug-cleared city, ito ay ang lungsod ng Alaminos, at ang bayan ng  Bolinao, Agno, San Nicolas, Natividad, Loac.

Maliban pa dito ang bayan ng Sto. tomas na una ng idineklarang drug-free municipalities dahil lahat ng barangay dito ay drug un-affected.

Ang tinig ni PCI Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations Office ng Pangasinan PPO.

Speak Your Mind

*