18M Pinoy ang Obese; DOH naglunsad ng Programa Vs Malnutrition

Inilunsad ng Department of Health (DOH) sa Lunsod ng Iloilo ang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) na tutugon sa problema ng malnutrisyon sa bansa sa loob ng anim na taon.

Pinangunahan ito ni Health Secretary Paulyn Ubial at ng governing board ng National Nutrition Council (NNC).

Layon nitong mabawasan ang iba’t ibang uri ng malnutrisyon sa bansa kagaya ng micronutrient deficiencies, overweight at obesity.

Base sa pag-aaral ng DOH, nananatiling mataas ang malnutrisyon sa bansa, kung saan ay 3.8 milyong bata ang nagugutom samantalang 18 milyong Pinoy naman ang overweight at obese.

Dahil dito, paiigtingin ng DOH ang implementasyon ng mga programa para labanan ang malnutrisyon, mobilisasyon ng local government units (LGUs), abutin ang mga liblib na lugar at indigenous communities.

Speak Your Mind

*