20% discount sa solo parents target ni Castelo

Iminungkahi ni Quezon City Representative Winston Castelo ang pagbibigay ng 20 percent discount sa solo parents.

    Sa inihaing House Bill 5604, sinabi ni Castelo na tatanggap ang solo parents ng 20% discount mula sa mga restaurant, theater, recreation center, transport service, medical at dental service kabilang na ang fees.

    Ayon kay Castelo, sakop ng naturang bill ang mga negosyo sa Metro Manila.

    Paliwanag ni Castelo na ang mga solo parent ang isa sa mga ‘most underprivileged’ at ‘disadvantaged’ na sektor sa lipunan kung kanilang katayuan ang pag-uusapan.

    Kasabay nito, nanawagan si Castelo sa publiko kabilang ang business community upang suportahan ang kanyang panukalang batas para mabilis maaprubahan sa Kongreso.

Speak Your Mind

*