200,000 hectares ng lupain, target ipamahagi ng DAR

Balak ng gobyerno na mamahagi ng dalawandaang libong ektaryang lupang sakahan sa farmer-beneficiaries ngayong taon.

    Ito ay bilang bahagi ng socio economic reform agenda ng peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

    Sinabi ni Comprehensive Agreement on Socio Economic Reforms (CASER), Reciprocal Working Committee (RWC) on Socio Economic Reforms Chairman Roberto Ador, target sana nilang mamahagi ng isang milyong ektaryang lupain sa mga benepisyaryo bagama’t aminado siyang may kahirapan itong mangyari.

    Tiniyak ni Ador na aabot sa isang milyong ektaryang lupain ang maipamamahagi sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, maliban pa ang dalawang milyong ektaryang lupaing may titulo na pero hindi naka-install sa lupa.

    Samantala, muling maghaharap ang government at NDF peace panels sa The Netherlands sa Mayo 27, kung saan ay tampok sa agenda ang CASER na kinabibilangan ng land reform at rural development.

Speak Your Mind

*