22 bagong kaso ng HIV/AIDS sa Pangasinan, naitala ngayong 1st quarter ng taon

Nakapagtala na ng dalawamput dalawang (22) bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus and Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) ang lalawigan ng Pangasinan ngayong unang bahagi ng taon.

Batay ito sa huling tala ng Provincial Health Office (PHO) mula buwan ng Enero na nakapagtala ng siyam na kaso habang sa buwan ng Pebrero ay nakapagtala ng labing tatlo.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Joan Paz Melendrez, HIV/AIDS Program Coordinator ng PHO na hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga kaso na hindi nagpa-test,

Dahil dito, inaasahang mas mataas pa ang kaso ng HIV/AIDS sa Pangasinan kayat ipinapayo ng PHO sa may mga suspected cases na huwag magtago kundi boluntaryo nang mag-pag check up.

 

Hinikayat ng PHO na pumunta sa pinakamalapit na Social Hygiene Clinic para sa voluntary counseling at HIV testing Center na matatagpuan sa Region 1 Medical Center, Urdaneta District Hospital, Western Pangasinan District Hospital, Pangasinan Provincial Hosputal, Lingayen District Hospital at Mangaldan Rural Health Unit 1.

Speak Your Mind

*