29 Atletang Pangasinense, tumanggap ng insentibo mula sa Provincial Government

 

Dalawamput siyam (29) na mga atletang pangasinense na nag-uwi ng karangalan sa lalawigan ang tumanggap ng insentibo mula sa Provincial Government.

Dalawang libo bawat isa ang tinanggap ng labinpitong (17) bronze medalists, tatlong libo kada isa ang tinangap ng pitong (7) silver medalist at limang libo ang tinanggap naman ng limang (5) gold medalist sa katatapos lang na Palarong Pambansa 2017.

Layun ng naturang insentibo na iparamdam sa mga atleta ang suporta ng provincial government sa pamumuno ni Gov.Amando “pogi” Espino III sa karangalan kanilang ibinibigay sa Pangasinan.

 

Batay sa record ng Region 1 Athletic Association (R1AA), ang koponan Pangasinan ay nakapag-uwi ng 31 medals mula sa ibat-ibang sporting events gaya ng athletics, tennis, arnis, table tennis, and taekwondo.

Kumpara sa ibang probinsya sa rehiyon, ang Pangasinan ang nakapag-uwi ng mas maraming medal kung saan ang La union ay nakapg-uwi ng limang medals sa larong tennis, archery, swimming at taekwondo habang ang Ilocos Norte ay nakapag-wi ng isang medalya para sa sepak takraw.

 

Speak Your Mind

*