Kaso ng dynamite fishing sa Region 1, mataas parin ayon sa BFAR

Mataas parin ang kaso ng dynamite fishing hindi lang sa Region 1 kundi sa buong bansa batay sa tala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1.

Ito ang inihayag ni Atty.  Rey Arthur Sontillano, Legal Officer ng BFAR region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kaugnay sa ipinapatupad na Republic Act no. 8550.

Ayon kay Sontillano, mas pinabigat na parusa ang naghihintay mula sa mga taong patuloy gumagamit ng dinamita.

 

Layun ng naturang batas na tuluyan nang masugpo ang paggamit ng dynamite o bongbong ng mga mangingisda dahil sa laki ng epekto nito sa yamang dagat.

 

Speak Your Mind

*