Malaking kita sa pag-aalaga at paggagatas ng kalabaw, tiniyak ng PCC

 

Tiniyak ng Philippine Carabao Center (PCC) na may malaking kita sa pag-aalaga at pagga-gatas ng kalabaw.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Gloria Dela Cruz, Center Chief ng PCC – Region 1 na umaabot sa apat na litro ang nagagatas sa isang kalabaw katumbas sa halagang P240 kada araw.

Sa loob ng isang taon, pumalo sa P82,000 ang kita sa isang ginagatas na kalabaw bukod pa sa magiging anak nito.

Ayon kay Dela Cruz, maihahambing ang isang ginagatas na kalabaw sa isang ektaryang sakahan ng palay na kikita lamang nang nasa P70,000 sa isang taon.

Hindi rin umano magiging mahirap ang pag-aalaga ng kalabaw dahil sagana ang lalawigan sa kanilang mga pagkain.

Sa ngayon, umaabot na umano sa 300 liters per day ang production ng gatas ng kalabaw sa bantog samahang multi-purpose cooperative sa bayan ng Asingan, Pangasinan.

Speak Your Mind

*