7 opisyal ng Ilocos Norte pina-cite in contempt

Pina-cite in contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pitong opisyal ng Ilocos Norte.

May kaugnayan ito sa hindi umano pagsipot ng mga opisyal sa pagdinig ng House Committee sa alegasyon ng maling paggamit ng pondo ng provincial government.

Kabilang sa pina-contempt ay sina Provincial Treasurer Josephine Calajete, Provincial Budget Officer Evangeline Tabulog, Encarnacion Gaor at Genedine Jambaro na staff members ng Office of the Provincial Treasurer; Eden Battulayan, Accountant IV ng Provincial Accounting Office; Pedro Agcaoili, staff member ng Provincial Planning and Development Office at si Joseph Castro, General Services Officer.

Hindi naman kasama sa pina-contempt si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Speak Your Mind

*