8.78 M tourist arrival, naitala sa lalawigan ng Pangasinan noong 2016

Pumalo sa mahigit walong milyon o 8.78 million ang tourist arrival na naitala sa lalawigan ng Pangasinan noong 2016, mataas kumpara sa 6.75 million na naitala noong 2015.

Ito ay kasama sa inilahad na report ni Governor Amado “Pogi” Espino III sa kanyang State of the Province Address (SOPA) kung saan patuloy aniyang gumaganda ang turismo sa Pangasinan.

Aniya, mahigit dalawang milyon ang nadagdag na bisitang dumagsa ng mga pamasong tourist destination sa lalawigan kabilang na ang Provincial Capitol, Manaoag Shrine, at Hundred Islands National Park.

Ngayon taon, inaasahang tataas pa ang tourist arrival sa lalawigan dahil sa iba pang tourist spot na maaari nilang puntahan gaya ng mga Beach Resorts, Hot Spring at Sun Flowers Farm.

 

Inaasahan magpapa-angat pa sa turismo ng lalawigan ang kasalukuyang ginagawang restoration project ng “Casa Real” sa bayan ng Lingayen na itinayo noong 1840, na unang Provincial Capitol na siya ngayon magiging provincial museum.

Speak Your Mind

*