8 dayuhang terorista nasa Pilipinas na

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año na nasa bansa na ang walong dayuhang terorista.

Sa isang press briefing, sinabi ni Año na ang naturang mga terorista ay may mga nationality na Indonesian, Malaysian at Singaporean.

Ayon pa kay Año, nagtatangka ang Abu Sayyaf Group (ASG) na magpakawala ng tinatawag na ‘sleepers’ sa labas ng Central Mindanao para palabasin na malawak ang kanilang presensiya.

Nagtangka na umano ang ASG na pamugaran ang Metro Manila subalit bigo umano ang mga ito.

Batay sa intelligence, nananatili lamang sa Central Mindanao partikular na sa Lanao ang base ng bandidong grupo.

Speak Your Mind

*