Abu Dhabi flights ng PAL pansamantalang sususpindihin sa Hulyo

Maagang nag-abiso ang Philippine Airlines (PAL) para sa kanselasyon ng kanilang flights simula sa Hulyo 8 na may biyaheng Abu Dhabi.

    Ayon sa PAL, kailangan nilang kanselahin ang kanilang flights dahil magkakaroon ng route assessment initiative ang kumpanya simula sa nasabing petsa.

    Ang route assessment initiative ay ang pag-aaral umano ng PAL sa ruta ng kanilang mga eroplano.

    Pinapayuhan ang mga pasahero na nakakuha ng ticket na may biyaheng Manila-Abu Dhabi at Abu Dhabi-Manila na magpa-rebook o magpa-refund.

    Samantala, hindi naman apektado ang flights ng PAL patungong Riyadh, Daman, Doha at Dubai.

Speak Your Mind

*