AFP Board of Generals nag-convene na para pumili ng susunod na chief of staff

Nagsagawa ng deliberasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Board of Generals para sa pagpili sa susunod na chief of staff.

Ito ay matapos kumpirmahin ang pagreretiro sa serbisyo ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa susunod na buwan, mas maaga nang apat na buwan sa dapat nitong retirement sa Oktubre.

Ang maagang pagreretiro ni Año ay para makaupo na agad ito sa bagong puwesto bilang bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary, alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP-Public Affairs Office (PAO) Chief, Marine Col. Edgard Arevalo, kailangan daw na ang ipupuwesto rito ay kayang pangasiwaan ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sinabi ni Arevalo na naghahanda na rin sila para sa change of command ceremony.

Matunog na magiging susunod na AFP chief ay si Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero.

Speak Your Mind

*