AFP Nakahanda Sa Joint Naval Exercise Sa Iba Pang Mga Bansa

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng joint naval exercises sa China at sa iba pang mga bansa.

Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang magkaroon ng pagsasanay ang Philippine at Chinese navies sa Sulu Sea at sa karagatan ng Mindanao.

Ayon sa AFP chief, maraming matututunan ang kapwa bansa sa isa’t isa partikular na sa aspekto ng humanitarian and disaster relief, anti-piracy at counter terrorism.

Pero giit ni Año, na bago magsagawa ng joint exercises ay kailangang pumasok sa pormal na kasunduan ang dalawang bansa katulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Speak Your Mind

*