AFP-WestMinCom Nabigla Sa Pagkakaugnay Ni Nobleza Sa ASG

Nananatili ang suporta at tiwala ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kahit nasangkot ito sa panibagong kontrobersiya.

Tinukoy rito ng AFP ang pagkakasangkot ni Police Supt. Maria Christina Nobleza, na kung saan ay inakusahang nakipagrelasyon kay Abu Sayyaf Group (ASG) bomb maker Reener Lou Dungon.

Sinabi ni AFP-WestMinCom Spokesperson Capt. Joan Petinglay na personal lamang na gawain ang kinaharap ni Nobleza at walang kinalaman dito ang buong hanay ng PNP.

Aminado si Petinglay na bagama’t ikinabigla nila ang kontrobersiya na kinaharap ni Nobleza subalit hindi ito makaaapekto sa matibay na samahan ng AFP at PNP, lalo na pagdating sa kampanya laban sa terorismo.

Speak Your Mind

*