Aguirre bukas sa hirit ni Napoles na mailipat sa NBI

Bukas si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na pagbigyan ang hiling ng kampo ni Janet Lim-Napoles na ilipat ito sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center.

Ayon kay Aguirre, hindi na convicted prisoner si Napoles, kaya dapat lang na alisin na ito sa kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ang desisyon ng kalihim ay dahil na rin sa banta umano sa buhay ni Napoles sa loob ng Correctional Institution for Women, kung saan ito kasalukuyang nakadetine.

Humingi naman umano ang BuCor sa Sandiganbayan ng paglilinaw, kung saan dapat mapiit si Napoles matapos maabsuwelto sa kasong illegal detention.

Speak Your Mind

*