Alejano may buwelta sa liderato ng Senado

Binuweltahan ni Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano ang liderato ng Senado na huwag maging bulag at bingi sa mga totoong nangyayari sa bansa.

Ginawa ito ni Alejano matapos ituring ni Senate President Koko Pimentel na ‘welcome development’ ang pagkabasura ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Committee on Justice sa Kamara.

Sinabi ni Alejano na wala nang hihimaying panukalang batas ang mga senador kapag tuluyan nang mabuwag ang Kongreso pagdating sa taong 2019.

Pinayuhan din ni Alejano ang mga kaalyado ni Duterte na huwag maging kampante dahil may indikasyon daw na patungo na sa isang rebolusyonaryong pamahalaan ang Pilipinas, kung saan ay wala nang silbi ang Kongreso.

Ito rin daw ang dahilan, kung bakit hindi dapat pahintulutan ng taumbayan ang ilang hindi magagandang ginagawa ng pangulo, partikular na ang bigong pagresolba sa mga patayan sa bansa bunsod ng kampanya kontra-droga.

Speak Your Mind

*