‘All possibilities,’ kailangang i-explore para sa joint exploration sa China — Panelo

Maaari umanong isuko ng Pilipinas ang soberanya kung kinakailangan at depende sa situwasyon.

Sinabi ito ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo kasunod ng babala ni Senior Associate Justice Antonito Carpio na pagsuko sa soberanya ang balak na joint exploration sa China.

Ayon kay Panelo, kailangang i-explore ang lahat ng posibilidad para maresolba ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Pero depende naman aniya ito kung makikinabang ang interes ng bansa.

Sinabi naman ni Panelo na maaari rin namang alisin ng China ang kanilang kondisyon sa pagpasok sa joint exploration.

Speak Your Mind

*