Antas ng hustisya sa Pilipinas bumaba na sa lebel ng mga aso matapos iabsuwelto si Napoles

Binigyang-diin ni Akbayan Representative Tom Villarin na bumaba na sa lebel ng mga aso ang antas ng hustisya sa bansa sa ilalim ng Duterte Administration.

Ito ang pahayag ni Villarin matapos absuweltuhin ng Court of Appeals (CA) ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention.

Ayon kay Villarin, natutunghayan na ngayon ng Pilipinas ang uri ng hustisyang umiiral sa bansa.

Pero giit ng kongresista, hindi pa rin dapat magdiwang si Napoles sa naging desisyon ng CA dahil hindi pa raw tapos ang laban sa katiwalian sa iba pa nitong mga kaso.

Speak Your Mind

*