Anti-Distracted Driving Act ipatutupad na simula bukas

Epektibo na simula bukas, Mayo 18, 2017 ang Anti-Distracted Driving Act.

Sa ilalim ng naturang batas, bawal nang gawin ang mga sumusunod samantalang nasa loob ng sasakyan:

1. Paggamit ng mobile communication device;
2. Magpadala o magbasa ng text message;
3. Tumawag, sumagot sa tawag; o anumang katulad na gawain.

Sakop rin ng batas ang mga sasakyang pang-agrikultura gaya ng traktora o mga gamit sa construction gaya ng bulldozer o crane, kung dumadaan ang mga ito sa mga pampublikong kalsada.

Hindi naman kasali ang mga motoristang tumatawag para sa emergency.

Aabot sa P5,000 ang multa sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag, P15,000 at suspensiyon ng lisensiya sa ikatlong paglabag at P20,000 at pagkawalambisa ng lisensiya sa ikaapat at higit pang paglabag.

print

Speak Your Mind

*