Anti-Distracted Driving Act ipinasususpindi

Pansamantalang ipinasususpindi ni Senador JV Ejercito ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Sa isang statement, sinabi ni Ejercito na siyang may-akda ng panukala na dapat ay maplantsa muna ang kalituhang dulot ng implementing rules and regulations ng batas.

Naging kumplikado na aniya ang ADDA dahil hindi naiintindihan ng mga traffic enforcer ang batas.

Simpleng hindi paggamit ng cellphone lang aniya ang ipinagbabawal nito at hindi ang paggamit ng cellphone para gumamit ng navigation apps.

 Ginagamit aniya ang cellphone para mag-navigate at maiwasan ang lugar na may matinding trapiko.

Mas delikado pa aniya na yumuko at tingnan ang cellphone na nakatago.

Nanawagan din si Ejercito sa Department of Transportation (DOTr) na amyendahan ang nasabing probisyon bago tuluyang ipatupad ang batas.

Speak Your Mind

*