Anti-Distracted Driving Act, mahigpit ng ipinatutupad ayon sa LTO-Urdaneta City

Una nang nagbigay ng information dissemination campaign ang Land Transportation Office o LTO Urdaneta District Office sa mga kumukuha ng lisensya kaugnay sa Anti-Distracted Driving Act.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Danny Martinez, hepe ng LTO-Urdaneta City District Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio na sa nasabing batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone ng mga motorista nagmamaneho.

Sinabi naman ni Martinez na pinapayagan naman ng batas ang paggamit ng mobile phone kung ito ay naka hand free o naka bluetooth.

 

Dagdag pa nI Martinez na kapag mahuli na lumabag sa bagong batas ay maaaring patawan ng P5,000 multa sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag, P15,000 at suspensyo ng lisensya sa ikatlong paglabag, at P20,000 at pagkakawalang-bisa ng lisensya sa ika-apat na at higit pang paglabag.

Speak Your Mind

*